Tuesday, May 31, 2011
Takot
Habang ako'y tumatahak
Sa isang mundong hindi ko kilala
Batid kong ako'y nag-iisa
Habang ramdam kong may mga matang
Sa aki'y nakamasid...
Palihim na nakatitig
Ako ay...
Huminga nang malalim
Sa mabilis na pintig ng puso
Nagmamadaling naglakad
Palayo sa samu't-saring kaluskos at bulungan
Nang mga nilalang na nagkukubli sa dilim.
May takot
May kaba
Subalit, kailangang umiwas
Wala akong binigkas na galit ng pagkapikon
Dahil sa huling sandali
Umiwas akong manghusga
Sa mga nilalang na hindi ko nakikita.
Mula sa dilim
Narating ko ang liwanag
Kung saan natahimik ang aking puso
At nawala ang aking pagkatakot
Nasabi ko sa aking sarili...
Ang alam ko, tulad ko
Nais din nila ng katahimikan...
Labels:
Being Alone,
death,
Fear
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment