Tuesday, May 31, 2011
Pasaway
Kung minsan ang aking pananalita ay may pagkatampalasan
May pagkamatawil ang aking dila kung ako'y husgahan nila
Itinuturing na baluktot mag-isip at masamang huwaran
'Pagkat malimit kaysa hindi, lumilihis sa landas.
Ang hindi nila alam, makulay ang aking buhay
Nang dahil sa pambihirang landas na aking binaybay
Na halaw sa karanasan ng totoong buhay ang lahat ng aking sinasaysay
Karanasang pambihira, masalimuot at makatotohanan.
Sabihin man nilang ako'y baliw kumpara sa iba
Hindi ako duwag tumawid ng dagat na mapanganyaya
Matapat ang aking puso na bigkasin ng walang pangamba
Ang mga dasal nito patungo sa isang bagong umaga.
Labels:
Acceptance,
Being Alone,
Challenges,
Faith,
Hope,
Inspiration,
Journey,
Life,
Memories,
Realization,
Reflection,
Social Awareness
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment