Wednesday, February 15, 2012
Pagtanggap
Ang bawat biyaya ng Dyos
Sa bawat isa sa atin
Ay hindi maaaring maagnas
O maluoy gaya ng isang bulaklak
Pagkat ito ay purong kabutihan
Mula sa kanyang pusong mapagbigay
Na ating inampon
At pinagyaman lamang
Ang kabutihang ito ng Panginoon
Kalimitan ay nag-uumapaw
Pagkat laging siksik
At liglig at nais kumawala
Minsan ay parang isang ibon
Na naghahangad ng wagas na kalayaan
Na maaaring mangyari lamang
Sa pamamagitan
Nang pagbabahagi nito
Sa ating kapwa nangangailangan
Subalit walang magaganap na pagbabahagi
Kung walang mababang loob na tatanggap
Walang magaganap na pagbibigay
Kung walang mga palad na maghahangad
Sapagkat ang kabutihan upang maibahagi
Ay nangangailangan nang kapwa kabutihan
Kabutihan ng pagtanggap nang may pagpapasalamat
At may pagnanasang makapaggbahagi rin
Bilang bukas-palad sa lahat ng nangangailangan
Bilang mga nangangailangan na handa ring magbigay...
===
go to a recollection:
http://denmar1978.blogspot.com/2013/04/one-week-on-line-recollection.html
Br. Dennis DC. Marquez, sSSS
Labels:
Generosity,
Giving,
Life,
Love,
Poverty,
Reflection
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment