Tuesday, May 31, 2011
Pasaway
Kung minsan ang aking pananalita ay may pagkatampalasan
May pagkamatawil ang aking dila kung ako'y husgahan nila
Itinuturing na baluktot mag-isip at masamang huwaran
'Pagkat malimit kaysa hindi, lumilihis sa landas.
Ang hindi nila alam, makulay ang aking buhay
Nang dahil sa pambihirang landas na aking binaybay
Na halaw sa karanasan ng totoong buhay ang lahat ng aking sinasaysay
Karanasang pambihira, masalimuot at makatotohanan.
Sabihin man nilang ako'y baliw kumpara sa iba
Hindi ako duwag tumawid ng dagat na mapanganyaya
Matapat ang aking puso na bigkasin ng walang pangamba
Ang mga dasal nito patungo sa isang bagong umaga.
Labels:
Acceptance,
Being Alone,
Challenges,
Faith,
Hope,
Inspiration,
Journey,
Life,
Memories,
Realization,
Reflection,
Social Awareness
Takot
Habang ako'y tumatahak
Sa isang mundong hindi ko kilala
Batid kong ako'y nag-iisa
Habang ramdam kong may mga matang
Sa aki'y nakamasid...
Palihim na nakatitig
Ako ay...
Huminga nang malalim
Sa mabilis na pintig ng puso
Nagmamadaling naglakad
Palayo sa samu't-saring kaluskos at bulungan
Nang mga nilalang na nagkukubli sa dilim.
May takot
May kaba
Subalit, kailangang umiwas
Wala akong binigkas na galit ng pagkapikon
Dahil sa huling sandali
Umiwas akong manghusga
Sa mga nilalang na hindi ko nakikita.
Mula sa dilim
Narating ko ang liwanag
Kung saan natahimik ang aking puso
At nawala ang aking pagkatakot
Nasabi ko sa aking sarili...
Ang alam ko, tulad ko
Nais din nila ng katahimikan...
Kung Masasabi Ko Lamang...
Siguro kung malakas lang ang loob ko
Masasabi kong maganda ka
Masusuyo ko ang kulay ng iyong labi...
bago ko ito mahalikan kung papayagan mo ako.
Mapupuri ko ang iyong ganda...
Mula sa iyong suot na damit
Hubog ng iyong katawan
Palamuting mapanghalina
Maging ang pusod ng iyong buhok...
Kaya lang...
May pumipigil sa silakbo ng damdamin na aking nadarama
Bukod sa pag-aalangan
Pipi din pala ang aking puso
Na kaya ko lamang palang sabihin
Ang lahat ng ito sa aking sarili
Dahil mas natatakot akong mapahiya
Kaysa magbakasakali sa pag-ibig mo.
Labels:
Challenges,
Denial,
Friendship,
Gaps,
Life,
Love,
Realization,
Reflection,
Regrets,
Shyness
Duwag Pala Ako...
Duwag pala ako...
Ikinukubli ko lamang sa buhos ng ulan ang aking luha
Hindi ko pala kayang tanggapin ka ng buong-buo
Kung kaya't ang akala kong kalayaan mula sa iyo
Ay isa lamang palang pagtakas...
Pagtakas sa katotohanan...
Na ang kaya ko lamang palang baguhin
Ay ang aking sarili
Upang mahalin ka
Bilang ikaw at wala nang iba....
Labels:
Acceptance,
Being Open,
Challenges,
Forgiveness,
Friendship,
Healing,
Hope,
Inspiration,
Life,
Love,
New Perspective,
Realization,
Reflection,
Regrets,
Relationship
Akala Ko...
Akala ko ay malaya ako
Dahil kaya kong mag-isa
Kahit wala ka
Akala ko kaya kong lumigaya.
Akala ko...
Kalayaan ko na ang lumisan sa piling mo
Ang lumayo sa iyo dahil ako'y labis na nasaktan
Ang magparaya dahil ako'y nabigo.
Subalit ngayon ay hinahanap-hanap ka
Lalo pa't ngayong ako'y nag-iisa
Iniisip ang masayahin mong tinig
Habang natatabunan ng mga sumbat na aking huling narinig.
Akala ko'y minahal kita
Subalit ang minahal ko pala ay ang sarili ko lamang
Pinaikot ko ang iyong maliit na mundo sa aking makasariling palad
Habang hindi ko naisip na tinunaw ko pala ang isang tunay na ikaw.
Labels:
Being Alone,
Challenges,
Forgiveness,
Healing,
Hope,
Inspiration,
Life,
Love,
Memories,
Missing Someone,
Realization,
Reflection,
Regrets,
Relationship
Sana Maisip Mo...
Sana maisip mo na ang lahat ng akin ay ipinaubaya ko sa iyo
Dangang mawala ang aking sarili nang inialay ko ang aking buhay para sa iyo
Alam ko na aabot sa ganito ang lahat na aking pagpapakasakit
Subalit isa lang ang maliwanag sa akin...
Ginawa ko ito dahil alay ko sa iyo ang wagas na pag-ibig...
Wala kang dapat gawin upang magpahayag ng pasasalamat
Wala kang dapat sabihing anupaman upang ako'y sumbatan
Dahil kahit sa huli... kahit hindi mo man ako mahalin
Sa puso kong binulag ng wagas na pag-ibig...
Ikaw pa rin ang ipipintig ng aking puso ng paulit-ulit...
Labels:
Being Alone,
Friendship,
Hope,
Inspiration,
Life,
Love,
Memories,
Missing Someone,
Reflection,
Regrets,
Relationship,
Self-giving
Pangungulila
Habang ako'y nasa tren...
Iniisip ko'y ikaw
Binabalik-balikan ko ang aking ala-ala
Na tila isang larawang nakaukit sa aking gunita...
Habang mabilis na umuusad ang tren...
Isa-isang nadaraanan ko ang mga lugar na ating sabay na pinuntahan
Habang dumidilim at nilalamon ng gabi ang paligid
Lalo akong nangungulila sapagkat wala ka na sa aking piling.
Habang bumabagtas ang tren sa bawat estasyon...
Sa mapaglarong liwanag na aking tinatahak na kalye at daan
Nagbabakasakali na ikaw ay muling masilayan
Kagaya noong una... noong una kitang makasabay.
Labels:
Being Alone,
Hope,
Inspiration,
Life,
Love,
Memories,
Missing Someone,
Reflection,
Regrets,
Relationship
Paliwanag
Marami sana akong nais sabihin
Matapos ng mahabang panahong hindi tayo nagkita
Kung dangan naman kasi, bigla akong nawala na parang bula
Iniwan kang naghahanap at umaasa pa sa aking muling pagbabalik.
Subalit ngayong ako'y nagbalik
Marami nang nabago...
Napatunayan ko mang may iba pala akong landas
May mga bagay palang hindi maaaring takasan...
Hanggang nagkita tayong muli...
Mata sa matang nagkatitigan lamang tayo
Sa iyong mga mata gumuhit ang mga luha
Habang naumid na tila pipi ang aking mga labi...
Wala kang sinabi
Wala man lamang ni isang salita ng galit o paninisi
Nung tinangka kong umiwas
Niyakap mo ako... nang buong higpit
Nang buong pananabik...ikinulong mo ako sa iyong bisig
Tila huminto ang oras... mahabang patlang
Hanggang sa matunaw ang aking puso...muling tumibok at nagkabuhay
Nagbalik muli ang lahat... natuto muli akong umibig...
Labels:
Friendship,
Inspiration,
Life,
Love,
Memories,
Reflection,
Relationship
Monday, May 30, 2011
Ngayong Araw
Ngayon ay bagong araw...
Kung kahapon, nagwakas ang nakaraan ng may kalungkutan
Ngayon, batiin natin ang bagong araw ng may bagong pagtingin
Palayain natin ang ating sarili mula sa madilim na bakas ng kahapon
Upang lumingon sa bagong ngayon ng may kalayaan at bagong pag-asa.
Wala ka namang kalilimutan mula sa nakaraan
Pagkat iyon ay bahagi ng iyong kasaysayan
Maging mapait man ito, o maligaya
Pawang ala-alang kayamanan sa puso mo nananahan.
Kundi...
Tayo ay magpapalaya lamang
Ng isang bahagi ng ating buhay
Upang mayakap natin ng buong-buo ang ngayon
Matapos nating mapatawad ang ating kahapon...
===
go to a recollection:
http://denmar1978.blogspot.com/2013/04/one-week-on-line-recollection.html
Br. Dennis DC. Marquez, sSSS
Labels:
Acceptance,
Being Open,
Challenges,
Hope,
Inspiration,
Journey,
New Perspective,
Realization,
Reflection
Sa Piling Ko'y Manatili Kang Muli
Sa bawat hakbang mong palayo
Ang puso ko ay sumusunod
Pagsamo ko sa iyo, sana'y pakinggan mo
Sa piling ko'y manatili kang muli.
Sa bawat hakbang mo'y nananalig
Na ikaw ay muling lilingon sa akin
Sa sulyap mo'y mumaasa na muli kang babalik
Sa piling ko'y manatili kang muli.
Sa bawat pag-iwas mo sa akin
Damdamin ko'y natitigatig
Hanggang kailan puso ko'y maghihintay
Sa piling ko'y manatili kang muli.
===
go to a recollection:
http://denmar1978.blogspot.com/2013/04/one-week-on-line-recollection.html
Br. Dennis DC. Marquez, sSSS
Labels:
Acceptance,
affection,
Forgiveness,
Friendship,
God's faithfulness,
Healing,
prayer,
Reflection,
Repentance,
Self-giving,
Vows
Thank You
Patrol Tikling-- ATC 11-328. Sakto! |
Thank you for the memories we've shared
For giving me a home in your heart
Thank you for the life that you've shared
I found a family in you.
You've touched me more than anyone else
You've moved me and inspired me to do my best
You made me feel, you made me realized
The value that's in me
You loved me as your friend
You're my family.
Thank you for the laughter we've shared
For your comfort in times of my sadness
Thank you for the light that you've shared
I found a family in you.
You've touched me more than anyone else
You've moved me and inspired me to do my best
You made me feel, you made me realized
The value that's in me
You loved me as your friend
You're my family.
Thank you...
- MaryRose Trinidad gusto ko ito:) nag-iisang simbolo ng ating grupo.... kahit huli nabigyan ng standard at honor flag.......sa akin the best at no. one! ahahaha "gain friends not enemies" -quoted........and we did!23 hours ago ·
Labels:
Acceptance,
Brotherhood,
Friendship,
Inspiration,
Life,
Memories,
Scouting,
Thanksgiving
I Magnify the Lord-- Mary's Song
Mary by Leonardo da Vinci |
based on Luke 1:46-56
My heart and my soul
Proclaim the greatness of the Lord
My spirit rejoices
In my God and my Savior
For He, has looked with favor
On His lowly servant
For the great things God has done for me
I magnify His name...
He has strength to cast the mighty
From their throne and lift the lowly
For His heart and loving mercy
Are to those who fear in Him
With His hand, he feeds the hungry
Cast the rich and keeps the poor
and every race has seen His
Saving pow'r for He is the Lord
He has come to save His servant
Israel as He fulfill
The promise made to Abraham
About His children from then on.
And with gladness I will sing
To the Trinity a glorious praise
The Father, Son, and Spirit raise
On God through out eternal days.
My heart and my soul
Proclaim the greatness of the Lord
My spirit rejoices
In my God and my Savior
For He, has looked with favor
On His lowly servant
For the great things God has done for me
I magnify His name...
Labels:
Faith,
Fiat,
Inspiration,
Mary,
Mother,
Self-giving,
Vows
Ikaw Ang Nais Ko
Lahat sa aking buhay
Sa Iyo iaaalay
Hangad ng puso ko
Ang dalisay na Ikaw.
Ang nais ko ay makapiling
Ang tulad Mo sa buhay ko
Walang hahangarin
Kundi tanging Ikaw.
Ang gabi ay umaga
Sa bawat sandali
Kariktan Mong nasilayan
Tamis bawat saglit.
Lahat ay lilisananin
Mananahan sa nais Mo
Katapata'y pagtalima
Pagsunod sa nais Mo.
Mananatili sa pangako sa Iyo
Walang alinlangan
Ikaw lamang
Ang nais ko.
===
go to a recollection:
http://denmar1978.blogspot.com/2013/04/one-week-on-line-recollection.html
Br. Dennis DC. Marquez, sSSS
Pagsisisi
Hilumin mo, O Kristo ang puso kong sugatan
Linisin ang ala-alang nabahiran ang dangal
Buksan ang aking diwa nang matanto ang dahilan
Puso ko'y dalisayin upang magpatawad at magpalaya.
Turuang magpakumbaba ang aking puso:
Ang magmahal ng kaaway at ituring siyang kapatid
Ang magparaya sa pangarap at ialay sa naghangad
Ang maghandog ng sarili sa kapwa makasalanan at magmahal...
Nawa'y mangyari ang kalooban Mo...
===
go to a recollection:
http://denmar1978.blogspot.com/2013/04/one-week-on-line-recollection.html
Br. Dennis DC. Marquez, sSSS
Labels:
Forgiveness,
Healing,
prayer,
Repentance,
Self-giving
A Farewell Song
ATC 11-328: Otso! Sakto! Grupong totoo. Yes! (Patrol) Tikling! |
I will share my life
To your heart I reached
With my song I will let you see my world.
Within my heart is a child
With a song from his time
Rememb'ring his Scouting days.
With all my joys, I pledged our Oath
With all my tears, I cherish all the moments
Time will pass but not our Scouting days...
...of sweet memories with you.
- MaryRose Trinidad likes this.
- MaryRose Trinidad i knew it in humming........i always thought of it! galing talaga!May 13 at 8:54pm · · 2 people
- Vivencio Panganiban Baby Looove MaryRose Trinidad-ayan,magpasalamt k ngaun p lng dahil magkaka kanta ka na!lolsMay 14 at 4:34pm ·
Scouter's Light
Scouter's light
Scouter's guide
May this light guide my heart....
In times of your loneliness
Try to remember this
Once you became a Scout
You will remain as is
And the light that aflames our heart
will guide you on your way
To a place... our home, called Scouting.
Time will come and you will take my place
I'll be gone but my spirit will remain
With this light, guide those who will come along your way
As you pass on this light to them
Till we meet again.
Scouter's light
Scouter's guide
May this light guide my heart....
Ponson Chang
Ang isang di-ko malilimutang nakakatawang games ay yaong "Picture Perfect", kung saan ay isasalarawan natin ang pangyayari na ating sinasadula.
Subscribe to:
Posts (Atom)