Monday, February 27, 2012

Inibig


Ngayong wala na akong maibigay...
Walang lakas
Walang kapangyarihan
Walang pangarap
Walang patutunguhan
Walang inaasahan
Halos wala nang kalayaan
Ay saka ko naunawaan
Ang kahiwagaan ng pagmamahal

Sa mga sanlibong mga araw at gabi
Na lumipas
Hindi kaylan man nabihag
Nang aking panulaan
Nang aking makating pag-iisip
At mapaglarong imahinasyon
Ang lalim
At kadalisayan
Nang totoong pag-ibig

Hindi pala ito mga kataga at salita lamang
Na nakakapagpataba ng puso at kaluluwa
Higit pa pala ito
Sa aking nasilayang kagandahan
Na bumubukal
Sa isang nagmamahal
At sa kapwa niya minamahal

Sapagkat ang pag-ibig na sa akin ay bumihag
Ay ang pag-ibig na yumakap din sa akin
Kung kailan hindi na ako maaaring ibigin
Sapagkat wala na akong maibabahagi
Dahil ako ay paso (expired) na at wala nang halaga
Laos na at wala nang kinang
Wala nang maaaring gawin
Wala nang maaaaring ibahagi

Kung kailan naghihintay na lang ako
Nang mga huling sandali ng aking buhay
Saka nanasok sa akin ang pag-ibig
Na nagbigay sa akin ng bagong pag-asa
Sa mga huling sandali ng aking hininga
Sa aking madilim na kinasasadlakan
Kung saan tinalikuran na ako ng lahat ng aking minahal
Saka ko naramdaman ang pag-ibig
Na matagal ko nang hindi inaalintana

Wala akong maisusukli
Sa pag-ibig na nananatiling tapat
Manhid na ang tigalgal kong katawan
Upos na ang aking tanging lakas
Unti-unti na akong nabubulok
Nababaon sa hukay ng malalim na siphayo
Subalit ang pag-ibig na ito
Pilit akong inaahon
Mula sa lambak ng pangungulila
Patungo sa bisig na mapagkalinga

Masakit pala
Nang mabatid ko
Ang Panginoon pala
Ang aking Dakilang Mangingibig
Na hindi ko sinusuklian ng pagtingin
Na hindi ko nagawa ring ibigin
Kung kailan wala na akong kakayahang magmahal
Kung kailan wala na akong lakas upang yakapin Siya
Kung kailan wala na akong yaman upang ibigin Siya
Kung kailan wala na akong maibabalik kundi ang aba kong pagkatao
Na iginupo na nang sakit at karamdaman
Saka ko lamang Siya naunawaan
Saka ko lamang Siya minahal

Sa kabila ng aking pag-iisa
Ramdam kong kasama ko ang Panginoon
Papanaw man ako
At lilisang limot ng mundo
Iiwan ko na ang lahat
At ibabalik sa Panginoon...
Ang aking buhay
Ang aking natitirang lakas
Ang aking natitirang pag-asa
Ang basag kong puso at kaluluwa
Mga tanging bagay na mayroon ako
Mga bagay na inibig sa akin ng Diyos...





===
go to a recollection:
http://denmar1978.blogspot.com/2013/04/one-week-on-line-recollection.html


Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Sunday, February 26, 2012

Pagkasilay



Akala ko
Ako ang naghahanap sa Panginoon
Ako pala ang kanyang nahanap
Mula sa aking pusikit na kinalalagyan
Kung saan tila wala nang pagpapakahulugan
Ang mahabang proseso ng kapagalan
Ang nakapanlulumong kalalagayan
Nang aking sumusukong pagkatao
Nang aking sumusukong kaluluwa

Pagbubukas pala ng puso
Ang kinakailangan kong gawin
Upang pumasok ang Diyos
Sa aking tigang na kalooban
Ang pagbubukas ng aking isipan
Ang magbibigay kahulugan
Sa mga bagay-bagay
Na lubos kong hindi ko maunawaan

Bawat pait at kalungkutan
Ay mauunawaan natin
Bilang isang pagkakataon
Upang makilala natin ang ating pagkatao
Sa kabila ng kawalang katarungang ating sinapit
Maaari pa rin pala tayong magpatawad ng ganap
Sa kabila ng paglapastangan ng ating kapwa
Maaari pa rin pala tayong magmahal
Sa kabila ng ating kakulangan
Maaari pa rin pala tayong tawaging mapalad...

Kung ang mata lamang ng Panginoon ang ating gagamitin
Makikita natin ang bawat isa na naghahangad na mahalin
Kung iibig tayo na gamit ang puso ng Diyos
Mababago ang masalimuot na mundong ginagalawan natin...

Ang Diyos ay nananahan sa atin
Mula sa ating kapwa masasalamin natin ang kanyang mukha
Nananahan siya sa lahat ng mahal natin sa buhay
Sapagkat sila ay mga regalong handog sa atin ng Dyos Ama
Sa bawat dukha at aba
Sa mga naaapi at naliligalig
Sa mga maysakit at nababahala
Sa bawat walang malay
Sa bawat walang muwang...

Upang ibigin pala ang Diyos
Kailangan din palang ibigin ang kanyang mga iniibig
Dahil sa pamamagitan nila
Siya ay nagsasalita
Sa ating buhay
Na naghahanap ng kahulugan...




===
go to a recollection:
http://denmar1978.blogspot.com/2013/04/one-week-on-line-recollection.html


Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Saturday, February 25, 2012

Sulyap



Hindi ko pala maaaring maipinta
Ang kabuuan ng Panginoon
Sa pamamagitan ng aking panulat
Sapagkat lagi itong mananatiling kulang
Para sa nag-uumapaw Nyang kadakilaan
Sapagkat ang kanyang kaningningan ay walang katapusan
Kung saan
Ang kaligayahang inari kong kayamanan buhat sa kanya
Ay sulyap pa lamang pala
Nang higit pa at mas dakilang pag-ibig
Na hindi kayang bigkasin
Nang alinmang kataga at salita
Sapagkat mananatiling hindi sapat ang mga ito
Upang ipaliwanag ang Diyos

Kahit pigain ko na ang lahat ng tinta
Sa walang kapagurang pagtatalik ng aking panulat at papel
Kahit pala ubusin ko ang lahat ng bawat umaga at magdamag
Upang manatiling nagninilay sa Kanyang kadakilaan
Mananatili pa rin itong kulang
Mananatili pa rin Siyang nag-uumapaw
Mananatili pa rin Siyang mahiwaga...

Sa panahong hinahanap ko Siya
Naunawaan kong ako pala ang nahanap Niya
Wala akong ginawa kundi ang magpaka-'ako'
Upang tumugon sa kanyang pagtawag
Sapagkat wala Siyang hiningi o hinangad mula sa akin
Kundi ang aking paglingon at pagtugon
Sa isang tao na inibig ng Dyos
Nadama ko ang kanyang pagyakap
Ang kanyang pag-ibig
Kahit nang walang salitaan
Sapagkat upang maunawaan pala ang Diyos
Kailangan palang buksan ang puso
Dahil ang malalim palang pag-ibig
Ay hindi na naghahangad ng mga paliwanag
Sapat na pala ang pagmamahal
Sapat na pala ang pagtitiwala...



===
go to a recollection:
http://denmar1978.blogspot.com/2013/04/one-week-on-line-recollection.html


Br. Dennis DC. Marquez, sSSS





Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Kenosis



Ang isa palang mahirap na danasin ng isang tao
Ang makita nya ang kanyang sarili
Na kahabag-habag
Sapagkat siya
Ay
Walang-wala...

Ang kahabagan ang sarili
Ang isa sa pinakamapait na bahagi ng buhay
Kung saan
Sa mapait na yugto ng buhay
Na kumakahon sa ating kinalalagyan
Kung saan
Nais nating sumuko
Dahil wala tayong madamang kahulugan
Sa disyertong ating kinasasadlakan

Walang kaligayahan mula sa mga pagdurusa
Puro hinanakit ang idinudulot ng bawat araw
Maraming hinahanap na inaakalang darating
Subalit sa bandang huli
Makikita natin ang ating sarili
Na nag-iisa sa katahimikan
Habang ang mundong kinasanayan natin
Ay hindi mapigil sa pag-galaw

Nais man nating abutin ang ating mga naisin
Walang lakas ang ating bisig
Nais man nating balikan
Upang sariwain ang lahat ng ating napuntahan
Upang subukin muling buuin
Ang mga nabasag na relasyon
Hindi na maaari
Sapagkat
Hindi na nating kayang igalaw
Ang bawat himaymay ng kalamnan
Ng ating dating malakas
Na katawan at naglahong kabataan...

Isa-isang lumilisan
Sa ating paningin
Ang lahat ng ating mga inaasahan
Habang unti-unting nalilimas
Ang lahat ng ating kayamanan
Na buong buhay nating tinimpok
At ipinagdamot maging sa ating mga sarili
Mga panumbas sa bawat gamot at karayom
Na pandugtong sa ating naghihingalong buhay
Na ayaw nating bitiwan
Sapagkat ayaw nating sukuan
Ang ating mga kahinaan
Ang ating mga kawalan

O patuloy tayong umiiwas
Na harapin ang katotohanan
Na ang kamatayan ang hangganan ng buhay
Na nasa kabila ng kamatayang ito
Ay may Diyos pala talaga
Na ating hindi kinikilala
Na ating ipinagpapalagay
Na wala sa ating kasaysayan

Mula sa kawalan
Mula sa pag-iisa
Mula sa pagkaawa sa ating sarili
Tinatawag tayo na sumuko
Upang umasa
At tumawag lamang
Sa Dakilang Lumikha
Sa ating mga kasalatan
Pumapasok ang mga biyaya
Na nanahan sa ating mga puso
Na napupuspos ng pagpapala

Ito ay ang tinatatawag na kasiyahan
Kasiyahan ng pinakalalim-laliman ng ating kaibuturan
Sa kabila ng pagkasugat natin
Sa bawat ating pagdurusa
Sa ating kawalan sa buhay
Ay masusumpungan natin ang pag-asa
Na nag-uumapaw
At nagpapangiti sa atin
Kahit na tayo
Ay binabalot ng siphayo
At dinadaluyong
Nang sunud-sunod na dilubyo at pagsubok
Sa ating may hangganang pagkatao
Na wala nang matakbuhan
Na wala nang makilingan
Na wala nang masumbungan
Na wala nang masumpungan...
... kundi ang Dakilang Lumikha
Na tanging ating inaasahan...

Sa kabila ng ating sakit sa buhay
Kahit tinalikuran na tayo nang ating kapwa
Habang mag-isa tayo sa banig nang ating tinitiis na karamdaman
Kahit walang nagmamalasakit sa ating pagkakasakit
O walang nakikidalamhati sa sakit na ating dinaramdam
Mauunawaan natin na sa ating pag-iisa
Sa kawalang katiyakang kagalingang ating ninanasa
Ang kahulugan ng paggising sa bawat araw
Upang muling tiisin ang panibagong sakit
Kung saan hindi pala tayo iniiwan
Kahit isang saglit
Nang ating Panginoon Hesukristo
Na dinig pala niya
Ang bawat hinagpis ng ating puso
Ang bawat hikbi ng ating kaluluwa
Ang lahat ng mga bagay na kinikimkim ng ating pagkatao
Hinahawakan nya ang ating mga kamay
Niyayakap ang ating buong pagkatao
Pinapatahan ang ating mga pagluha
Binabantayan tayo sa ating paghimbing
At lagi Niyang ibinubulong sa ating pandinig
Na "Huwag kang sumuko aking Kapatid
Sapagkat kasama mo akong nagdurusa
Sa krus na iyong binabalikat..."

Kung saan mababalikan natin
Matapos ang mahabang mga taon ng ating pagpapala
Sa ilang saglit ng ating pagtitiis dahil sa pagdurusa
Nakalimutan agad pala natin
Ang lahat ng pagmamahal
Ang lahat ng pagmamalasakit
Sa atin ng Dakilang Lumikha...

OO...ang kamatayan ay darating din sa bawat isa
Hindi bilang katapusan
Kundi bilang bagong simula
Nang isang sisibol na pag-asa
Mula sa kamatayan at bagong buhay
Matapos ang masalimuot
At puspos ng pagpapalang paglalakbay natin
Patungo sa kabilang buhay
Matapos nating maluwalhating landasin
Ang tinatawag nating kasaysayan
Kung saan tayo ay nasaktan... subalit nagmahal
Kung saan tayo ay tinalikuran... subalit natagpuan
Kung saan tayo ay nag-isa... subalit kinalinga...
Ng nag-uumapaw na pag-ibig ng Dakilang Ama
Sa kabila ng ating kakulangan at pag-aagam-agam
Sa kabila ng ating kapagalan at pangungulila
Naroon ang kapahingahan
Naroon ang pagtahan ng ating mga pagluha
Sa bisig ng Diyos Ama
Sa kanlungan Nyang mapagmahal...




===
go to a recollection:
http://denmar1978.blogspot.com/2013/04/one-week-on-line-recollection.html


Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Tuesday, February 21, 2012

My 34th Birthday Message to the Eymard Formation Community



February 22, 2012-- Today we acknowledge the authority of the Holy Father which Jesus first entrusted to St. Peter, the first Pope, as we remember the Feast of the Chair of St. Peter. Moreover, today, Ash Wednesday, is also the start of the solemn observance of the Lenten season.

As I reflected, these two occasions call me to give way for others. Maybe, after thirty three years of God’s blessings in my life, it is now the time for me, in my thirty fourth birthday, to share to others my blessings in life. I have witnessed that prayer is the treasure that we have as a community. And amidst the vow of poverty, prayer became my over-pouring richness.

To all of you, I sincerely thank you for being a brother to me.

And to offer my thanksgiving to God this Lenten season-- like St. Peter, as he followed the footsteps of Jesus Christ, allow me to read this prayer of mine to the Blessed Sacrament…

Sa Iyong landas ako ay susunod
Kung Iyong mamarapatin
Kung pipiliin ang abang katulad ko
Tatahakin ko ang landas na tinahak Mo

Aking namasid, dinanas mong pasakit
Sa bawat latay mo ang puso ko ay nagdadalamhati
Ang Iyong daing ay aking narinig
Kung maari lang Iyong krus ay kakanlungin.

Nais kong hilumin ang Iyong pait
Nais kong ibsan ang pait na likha ng sugat ng Iyong pag-ibig
Bawat pangaral na Iyong sinambit
Sa bawat landas, nais kong iparating...

Sa Iyong landas ako ay susunod
Kung Iyong mamarapatin
Kung pipiliin ang abang katulad ko
Tatahakin ko ang landas na tinahak ko.

To end, allow me to call on Br. Phoelix, to interpret this prayer which I made into a song; and Br. Renoir to accompany him.





Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Pusong Malaya



Ang buong buhay
Para sa akin ay sining
Isang likas na kagandahan
Mula sa sinapupunan
Na na inanak
Nang Dakilang Lumikha

Ang bawat kulay
Ay ipininta
Nang buong lugod at pagmamahal
Ang bawat galaw
Ay isinasayaw
Sa ritmo
Nang ayon sa tibok ng puso
Ang bawat panulaan
Ang bawat titik at lunday
Ay ang mga kataga
Na mula sa puso
Dumadaloy
Gaya ng dugo ng buhay
Na tanging tinta
Nang pluma
Nang nag-aalab na pagmamahal

Ito ang mga dasal ko
At mga bunga
Nang aking panalangin
Na naging hininga
Nang aking buhay
Na kumakatok
Sa bawat puso at kaluluwa
Gaya ng isang batang
Nangungulila sa paghahanap
Nang isang tahanang
Maaaring silungan
Upang maging kanlungan
At duyan ng pagmamahal...




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Friday, February 17, 2012

Being Alone



we can't be ALONE
if we refrain ourselves from being so choosy.
if we learn to love
those who love us dearly.
if we could appreciate
the persons
who make their wholehearted efforts
just to make us happy.
if we could be contented
and be thankful
on the simple things others can offer us.
if we could compassionately accept others for who they were
and generously give our presence
to those who are also ALONE.
there are 7 billion people on the planet...
don't even think of going too far...
love now,
offer your heart,
serve humanity...
be a 'Christ' to everybody
and make them smile.




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Thursday, February 16, 2012

Pagbibigay



Wala akong maibibigay
Mula sa akin sa iyo
Kundi ang tanging pagmamahal
Na ipinagkaloob lang din sa akin

Mapapasaiyo lahat ito
Buong-buo at nag-uumapaw
Sapagkat ito ay hindi mula sa akin
Kundi mula sa Dakilang Lumikha

Ilahad mo ang iyong mga palad
Buksan ang sarili sa pagmamahal
Hayaang pumasok ang Dyos
At manahang ganap sa iyong puso

Nawa'y ang nasumpungang pag-ibig
Sa iba ay iyo ring ibahagi
Dahil nasa dalisay na pagbibigay
Ang ikaliligaya
Ang ikapapayapa
Pagkat ang pag-ibig
Ay ang pag-ibig sa iyong kapwa...




===
go to a recollection:
http://denmar1978.blogspot.com/2013/04/one-week-on-line-recollection.html


Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Pagkatambad



Kapag ikaw ay natambad
Sa Dakilang kabutihan
Sana ang buong pagkatao mo
Ay makapagbahagi rin
Nang kapwa pagmamahal

Sapagkat niyayakap tayo ng Dyos
Habang inuusal natin ang ating mga panalangin
Sinasamahan Nya tayo
Sa ating pangungulila at pangamba

Kung tayo ay minahal
Bakit hindi rin tayo makapagmahal
Kung tayo ay buong pusong pinatawad
Bakit hindi rin tayo makapagpatawad

Ang Diyos ay ang kabutihan
Siya ang Dakilang pag-ibig
Ang katugunan sa ating pagkauhaw
Na sanhi nang ating pangungulila

Ang bawat ating paghahangad
At pagkamkam sa mga bagay na ating ninanasa
Ay ang patuloy lamang nating pag-iwas at pagtatago
Sa totoong hinahanap nang ating pagkatao

Ang ating nangungulilang puso
Kaylan man ay hindi makakatagpo
Nang tunay na kapayapaan
Kung hindi ito iibig
Kung hindi ito magmamahal

Ibahagi natin ang Dyos na ating nasumpungan
Sa bawat pusong sugatan
Kung saan ang lahat ng kanyang mga biyaya
Ay bukas palad nating iaalay sa kapwa

Doon natin mapagtatanto
Na ang Dyos ay nananahan sa bawat puso
Na tayo ay tinatawag na mapalad
Sapagkat may tumatanggap sa ating kabutihan

Tayo ay sinusuklian
Nang higit na pagpapala
Sapagkat mula sa ating kapwa
Nasusumpungan natin
Ang Dakilang Lumikha...





===
go to a recollection:
http://denmar1978.blogspot.com/2013/04/one-week-on-line-recollection.html


Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Wednesday, February 15, 2012

Pagtanggap


Ang bawat biyaya ng Dyos
Sa bawat isa sa atin
Ay hindi maaaring maagnas
O maluoy gaya ng isang bulaklak
Pagkat ito ay purong kabutihan
Mula sa kanyang pusong mapagbigay
Na ating inampon
At pinagyaman lamang

Ang kabutihang ito ng Panginoon
Kalimitan ay nag-uumapaw
Pagkat laging siksik
At liglig at nais kumawala
Minsan ay parang isang ibon
Na naghahangad ng wagas na kalayaan
Na maaaring mangyari lamang
Sa pamamagitan
Nang pagbabahagi nito
Sa ating kapwa nangangailangan

Subalit walang magaganap na pagbabahagi
Kung walang mababang loob na tatanggap
Walang magaganap na pagbibigay
Kung walang mga palad na maghahangad
Sapagkat ang kabutihan upang maibahagi
Ay nangangailangan nang kapwa kabutihan
Kabutihan ng pagtanggap nang may pagpapasalamat
At may pagnanasang makapaggbahagi rin
Bilang bukas-palad sa lahat ng nangangailangan
Bilang mga nangangailangan na handa ring magbigay...






===
go to a recollection:
http://denmar1978.blogspot.com/2013/04/one-week-on-line-recollection.html


Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Sunday, February 12, 2012

Melted



I couldn't remember
When was the last time
You said to me your parting words
You just stop
And started to be silent
No more words of "I love yous..."
Even, caress of assurance

From then on
You became so cold
I kept on trying to reach you
But, you always choose to hide yourself

Until I felt that I am a stranger in your life
That I no more exist
That I'm dead
And long gone...

It took time for me to understand
That I disappointed you
What I know
You hurt me with your silence

Deep within me
I suffered so much
But, I still chose to love you
And to pray for you
To come back into my arms

Again and again, I said to my self:
"No matter how long I would wait
No matter how much it would cause I will persevere
Your memories will always be my joy all the days of my life..."

Until one day
You broke your silence
You came back
Now... wounded as a person
Not wanting love
But, someone to take care of you
You ask for my mercy
Not for my forgiveness
Until one day
You leave me again...

From then on
My life has changed
Melted as I am
I embraced a deeper love
From being a lover
I became a healer
Of you who keeps on hurting me
Who, I also keep on loving
With my heart
With my life...

Come back to me when you're wounded
I will heal you again and again
I will never grew tired of loving you
Nor feel lonely when you're gone

But this time I would always say to my self:
"I won't anymore wait for your love"
For nothing is far more important to me now
Than to transcend all the pains
By loving you more without possessing you

I will rise above all these suffering
And see the blessings I failed to see
And from being a lover I would be a healer to all
To those who are alone
To those who are forsaken...

I know how lonely it was
Despite of my sacrifices, of being forsaken
But I won't let any anger to devour my soul
For in forgiveness I can say:
"That I truly love the most..."





Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Saturday, February 11, 2012

Broken Wings



Like a little child
Unable to fly
To cross beyond the great sky
Where winds hurls and thunders
Under the passing dark clouds
Of seemingly endless storm
Where I am caught
By the claws of her lightnings

There's no place to hide
She wanted to devour me
Towards her bosom
I will find my fate
I can't hold on no more
With my broken wings
I can't flap and resist no more
This would be my end
This would be my final destiny...

Silence...
She's almost near me
She's starting to touch the fear inside me
I just cover my eyes with my broken wings
This is it...

Alas!
Out of nowhere
Somebody
Shouted
"Run for your life you bird of pride!
Or else you would die"

And I did...
For the first time of my life
I stand and let my feet touch the ground
I hardly walk
But, I need to run
No matter how
Just to free my self
Away from the coming death...

And I did!



On a safer ground
As I gasps for my breath
A laugh broke my fear
It was the "chicken"
She wrapped my broken wings
And lead me to rest
She whispered in my ears
Tomorrow you'll be alright
Your broken wings will be alright...




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Friday, February 10, 2012

Ebolusyon



i--tawid dagat

Mga kaluluwang pinagtagpo
Tinawag mula sa kanya-kanyang pinagmulan
Pinag-isa ng isang paniniwala
Ng isang tawag na tinugunan

Nagkasama sa isang bubong
Kung saan naroon ang talaban
Ang pagsang-ayon at pagtanggi
Ang pakikibahagi o paglayo

Mga damdaming nais makipag-isa
Ngunit sinusubok ang pananampalataya
Hanggang masaksihan
Ang pait...
Nang bawat paglisan...
Ang paglayo...
Nang bawat isa...

Unang nabasag ang puso
Nangilid ang mga luhang dumaloy mula sa mga mata
Bumulwak ng pagtangis ng pangungulila
Sa bawat pamamaalam
Na nasaksihan
Sa bawat paglaho ng mga aninong lumisan
At bawat pagguho
Nang mga pangarap ng puso na hindi natupad
Sa mga kaligayahang inangkin ng iba...

Hindi naman lahat ay nangarap
Mayron din namang nabiyayaan
Gumagaod sa paglalakbay
Gaya ng tuyong dahon
Sumasabay sa ihip ng hangin
Kung saan mapadpad
At dalhin ng paglalayag

Sila ay may mga pusong malaya
May bukas na kalooban
Malikhain ang bawat diwa
Napupuspos ng mga biyaya
Napupuspos din ng panlilibak
Mula sa inibig na kapatid
Mula sa mga minahal
Mula sa mga pinagkatiwalaan

At nagsimula ang digmaan...







ii--kabundukan

Mga basag na pagkatao na pinagtapo
Mga kaluluwa'y pinagpira-piraso
Sa pamantayang walang kinalaman
Sa pagpapalalim ng puso

Kung saan ang naghahari ay ang kawalang katarungan
Walang awa kundi tagisan
Hindi lamang nang sarili
Kundi maging ng kapwa
Kung saan ang bawat isa
Ay naging laban sa bawat isa

At pinag-iisa ang digmaang ito
Ng panananalangin na walang pinatutunguhan
Kundi ang pag-angkin ng pinapangarap na biyaya
Kahit maging kapahamakan ito
At alinlangan
Nang kanilang nilibak na kapwa

Maraming damdamin
Ang pinaglayo ng pamantayan
Na naging batayan
Nang pagpapatali
Sa isang bigkis ng pagkapalalo

At inaring kaligayahan
Ang makatugon lamang
Sa inaasahan ng daigdig sa kanila
Kahit sa kaibuturan ng bawat puso
Naroon ang panaghoy
Dahil sa higit na pagkabasag
Nang pusong hindi minamahal
Sapagkat ang natagpuan
Sa lugar na inaakalang kanlungan ng Dyos
Ay ang pugad
Ng galit at panghihinayang
Mula sa bawat nakaraan
Na hindi magawang takasan

At ang mga may pusong malaya
Ay nagsimulang maging biktima
Nang isang mapanghusgang
Pamantayang umaalipin
Sa mga bunga ng panalangin
Na nais kumawala sa bawat puso
Nang mga nakasumpong sa biyaya ng Dyos...
Mga sining na hindi maipinta
Mga sayaw na hindi maigalaw
Mga awit na hindi maiusal
Mga pangarap na hindi maisaysay
Sapagkat naroon
Ipinunla sa bawat puso
Ang pagkasiphayo at pagkainggit

Mga puso'y tumigas
Natutong sumunod sa agos
Isinantabi muna ang pagtugon
At hinarap ang mga hamon
Bilang bahagi na lamang ng pagnanasa
Na mapatunayan
Ang kakayanang hindi magpatalo
Sa pamantayang naghahari
At lumamon sa bawat puso

Hanggang nasulyapan
Ang bunga nang pagpapanggap
Sa isang pagbibigkis
Nang pagkapalalo at pagpapakatuso
Ang mga sugatang puso
Kaylan man hindi naghilom
Lumisan sa kabundukan
Pikit matang namaalam
Nagpumilit na buuin ang mga pagkatao
Baon ang pagiging palalo
At inangkin
Ang pamantayan
Na nakagawian
Na walang pag-ibig
Nang walang katarungan...

Nagpatuloy ang digmaan...







iii-- kapatagan

Sa mahabang proseso ng buhay
Kung saan natambad
Sa tagisan ng kasamaan at kabutihan
At nababad mula sa dilim ng nakaraan
Nangingibabaw pa rin
Ang sarili
Kung saan walang pagpapatawad
Kundi paghusga sa kapwa
Ang umaalingawngaw
Sa bawat natutong
Maghangad at mangarap

Umaandap na ang liwanag
Sa mga pusong malaya
Na bihag na ngayon
Nang lisya ng mga sugatan

Sabay-sabay na nananalangin
At umuusal ng dasal
Subalit ang laman ng puso
Ay pawang panlilibak
Ang hangad ng damdamin
Ay paghiwalay at paglayo
Mga matang nakapikit
Subalit nakikiramdam
Sa bawat pagkakamali
Nang kanilang kapatid
Na hindi minahal
Na hindi inibig
Subalit hinusgahan
Ipinagtabuyang palayo...

At ngayon...
Matapos ang mahabang panahon ng pakikipagtagisan
Isa-isang namamaalam ang mga may pusong malaya
Matapos mabiktima ng pagkapoot na nagmula sa nakaraan
Mula pa sa kabundukan na tahanan ng karahasan

Ang bawat isa ay naging naghaharing pamantayan
Kung saan ang hangad ay ang pansariling kabutihan
Sinayang ang panahong makinig sa katwiran
Nang mga kaluluwang totoong nagmahal
Na ngayon ay lilisan
Baon ang kanilang ala-ala
Baon ang kanilang mga dasal...




Dennis DC. Marquez

Thursday, February 9, 2012

Tamang Hinala



Sa buhay na ito
sa lugar na kinasasadalakan natin
Kanya-kanyang pagdurusa
Ang ating kinakaya
Upang mapasan natin
Ang bawat bigat
Nang ating mga dinadala
Na bumabagabag
Sa ating mga puso
At kaluluwa
Na nagpapaluha sa atin
At patuloy na sumusugat
Sa lupaypay nating
Paa at kamay
Na nakagapos
Sa pamantayang
Sila ang gumagawa

Malimit nahuhusgahan
Ang ating mga pusong malaya
Napupuna sa anggulo
Na hindi natin inaasahan
Sapagkat nais nila tayong ikahon
Sa pamantayang makapangyarihan at naghahari
Na sumusukat upang maglimita
Na humuhusga upang pumaslang
Sa atin na walang kamalay-malay
Sa lisya ng kanilang mga paratang
Na lumalamon
Sa ating mga umaandap na pag-asa
Na ating pinanghahawakan
Mga tangi nating kayamanan


Mga tila tupa sa harapan ng Panginoon
Na umuusal ng mga salmo't panalangin
Habang ang mga mata ay nagbabagang nagmamasid
Nakikiramdam sa bawat inaasahang pagkakamali
Matalas ang pandinig
Kung saan ang mga maling kutob
At nakalalasong hinuha
Ang ginagawang pamamaraan
Upang mabuhay sa paninila (to devour)
Upang pagtakpan
Ang bawat kahinaang
Tila anay na lumalamon
Sa nagdidiliryong isipan
Bunga ng inggit
At kawalang katarungan...

At ang pinakamatamis na ngiti
Nang pagpapanggap at paghuhugas kamay
Ang bating isasalubong
Sa ating mga nasaling na damdamin
Dahil nasaktan ng nakalalasong balita
Na sila mismo
Ang lihim na naghasik
Sa bawat puso ng gutom na kaluluwa
Na ang tanging hangad rin
Ay ang pagdurusa
Na kanilang kapwa
Na pareho nilang
Nilibak at hinuhusgahan

Sa pagkakataong ito
Kung saan may naninira sa bawat isa
Masusubok ang bawat pinagsamahan
Nang mga tunay na kaibigan at nagmamahal
Sapagkat hahangarin ng dakilang kaluluwa
Ang umibig sa katotohanan
At hahandaing magbuwis
Alang-alang sa katarungan

Sino nga ba ang makikinig sa kanila...
Sila na ang tanging kaligayahan
Ay kanilang natagpuan sa pagdurusa ng iba
Sa paghihikahos na sila ang lumikha
Na inukit mula sa bahid ng dugo
At pawis ng bawat biktima
...Kundi ang kanilang kapwa
Na naghahangad ng kalungkutan ng iba
Na sumasang-ayon sa nakapangyayaring kasamaan
Sa tanikala na bumibihag
Sa bawat katotohanan at katarungan

Magtatagumpay kayo sa ngayon
Pansamantalang magkakaroon ng kaligayahan
Subalit gaya ng ibang nilalang ng dilim
Mananatili pa rin kayong uhaw at sabik
At mananatiling naglalaway na ganid
Sa paghahasik ng lagim at dilim
Sa bawat puso ng bawat walang malay
Sa bawat kaluluwa na inyong nagambala
Sa bawat buhay na inyong pinaslang

At sa bawat paglubog ng araw
Makukuha pa rin ninyong humarap sa Dakilang Lumikha
Bilang mga walang bahid dungis at kasalanan
Sapagkat binulag na ang inyong pananampalataya
Nang kasakiman sa tinatawag ninyong kapayapaan
Kung saan
Upang ipagsanggalang ang inyong mga pagnanasa
Ay kumikitil kayo ng mga mulat na nilalang
Upang patahimikin sa kanilang libingan
Kagaya ng mga nauna
Na biktima ng inyong kasakiman...




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Tuesday, February 7, 2012

Transcendence



All of us have the potential to learn
and to achieve towards our dreams in life

but, we are hindered by our humanly limitations...

Yes, each one of us has he's own capacity
it's the grace of God that enables us to go through all life's challenges...
to go beyond our humanly weaknesses...

to transcend beyond...




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Monday, February 6, 2012

Banal na Tinapay



Pagpaparaya ang iyong paghahandog ng buhay
Upang ialay ang iyong sarili sa aking kamay
Sa aking palad, tila sanggol kang humihimlay
Upang iduyan sumandali't ipagheleng walang malay

O Kristo Hesus... na nasa anyong banal na tinapay
Nanasok ka sa aking puso bilang pastol at patnubay
Tanglaw sa kadiliman ng aking kaluluwang lupaypay
Tagahilom ng mga sugat ng kaibuturang nadungisan ng halay

Panginoon... batid mo ang aking mga niluluha't sinasaysay
Mga panalangin ng aking puso na sa mga anghel mo ipinapa-akay
Upang Ikaw nawa ang maging lakas ko at bisig na ikakampay
Sa pagbati ko sa bawat araw at bagong pag-asang sumisilay...





Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Sunday, February 5, 2012

Hospicio's Little Angels



Hospicio de San Jose, Manila-- I'm not feeling well this early morning. My fever persisted after the morning mass. Worse, my runny nose really made me feel so terrible. But, these young children kept on hugging me when I called them for our catechism class. I dissuade them to go near me and told them: "Naku, mga anak, 'wag kayong lumapit sa akin baka mahawa kayo ng sipon... (For heaven's sake children, don't go near me, you might catch a flu).

But, it didn't stopped them, they just said: "Okay, lang po. Kahit mahawa kami kasi gusto kasi namin kayong yakapin... (it's okay, even if we catch one, we still wanted to hug you)!"

It was so touching... it's like Jesus touching the core of my soul where no fevers and no bodily pains could penetrate to stop me from loving these little angels. I told my self... "Sana marami pang magmahal sa kanila... (I hope that others would love them...).

They're the little angels in our midst.




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Saturday, February 4, 2012

Alone




when we are ALONE...


we have the power over sadness to appreciate silence...

we have the power over despair to appreciate life's joys and blessings...

we have the power over temptations through constant prayers...

we have the power over fear to put our trust totally in God's protection...


it's never been a human weakness to cry and to feel afraid...

it's a reminder that we need someone to cling on to...

being alone reminds us that Jesus is always present...

always with us...

Jesus walks with us...

He's just a prayer away...


.....



"...and when we are alone

that's when we feel that we are closer to GOD

and that HE is just there to listen to us

only if we try to say something." Maricel Tortoza





===
go to a recollection:
http://denmar1978.blogspot.com/2013/04/one-week-on-line-recollection.html


Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Friday, February 3, 2012

Handog-Buhay



A reflection on St. Peter Julian Eymard's Vow of Personality


Alay sa Iyo aking buhay, O Hesus
Lakip ang kaloobang sa biyaya mo ay puspos
Lahat ng aking ligaya at pait:
Sa iyong kamay ihahatid, aking buhay, ibabalik

Alay sa Iyo buhay Mong kaloob
Gamitin Mong lubos sa paraang nais Mo
Hangad ng aking pusong nabighani:
Ang mayakap nang buong higpit ang puso Mo at makinig sa pintig...


Alay sa Iyo aking buhay, O Hesus
Lakip ang kaloobang sa biyaya mo ay puspos
Lahat ng aking ligaya at pait:
Sa iyong kamay ihahatid, aking buhay, ibabalik...

Sa iyong kamay ihahatid, aking buhay...
...ibabalik...

=====

Reflection on St. Peter Julian Eymard:
"ALAY SA IYO, AKING BUHAY O HESUS"-- Eymard's gift of self

"GAMITIN MO ITO SA PARAANG NAIS MO"- nung seminarista pa lang si Eymard, nagkasakit siya at halos mamamatay na, ipinalangin nya sa Diyos na kahit makapag-misa lang siya ng isang beses ay okay na sa kanya pero hindi lang isang misa ang ipinagkaloob sa kanya dahil naitatag niya ang Congregation of the Blessed Sacrament na kilala sa Adoration of the Blessed Sacrament.

"LAHAT NG AKING LIGAYA AT PAIT, SA IYONG KAMAY IHAHATID, AKING BUHAY IHAHATID"- namatay ang pinakamamahal niyang nanay ni Eymard habang nasa seminaryo siya; sakitin siya at muntik mamatay kaya muntik na siyang hindi makapag-pari. Nung siya ay isang Marist, umalis siya upang simulan ang pagtatag ng Congregation of the Blessed Sacrament ng walang kapera-pera.

"ALAY SA IYO AKING BUHAY MONG KALOOB, GAMITIN MONG LUBOS SA PARAANG NAIS MO"- buong pagtitiwala niyang ipinagkaloob sa Dyos ang buhay niya. "You have the Eucharist what more should you ask for."

HANGAD NG AKING PUSONG NABIGHANI: ANG MAYAKAP NG BUONG HIGPIT ANG PUSO MO AT MAKINIG SA PINTIG"- nung bata pa si Eymard, hinanap siya ng kanyang ate at nakita siya sa likod ng tabernacle. nung tinanong siya kung ano ang ginagawa nya dun, sabi nung batang si Eymard, nakikinig daw siya kay Jesus.




===
go to a recollection:
http://denmar1978.blogspot.com/2013/04/one-week-on-line-recollection.html


Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Wounded-Healers


what the world needs as of now is compassion
most of us are broken persons
we appear to be strong
but deep within each one of us
is a weeping child
who is longing for someone
who would love us
not because we are strong
but, simply because
we are alone

in the silence of the night
i heard your cries
your sob of pains
deeply touches my heart
in your loneliness
let me offer friendship
let me be your healer
yet, wounded like you

together let us be
a wounded-healer to one another
and as we grow in friendship
together let us share
the love that healed us
from being wounded to healers
and with this gift of self
together let us heal the world
with a burning compassion
with a sincere love.



Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

On Life's Choices



For some...
LIFE will always remain
unfair,
biased,
chaotic,
and will always be filled with things that we really hated so much...

but,
we can also make a difference
by choosing to be thankful for these life's challenges..

through them we became SAINT...
an ordinary saint who walks in our midst
who chooses to love
and to serve humanity
at its worst.




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

On Distant Planets



i've been reading about distant planets...
from distant stars...
lying somewhere out there and waiting to be discovered in the womb of the universe...
one of them could be our next possible frontier...
whence it would took some light years to reach them after everything here on earth perished in vain...
i asked: "from these great distances between two points...
how far could it take and when that would be?"
i reflected, it could be FAITH.
the distance between two points...
no matter how many light years they are...
occurs in the hands of God.




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Thursday, February 2, 2012

On Faith




When everything seems to be meaningless
but you still believe with your heart and mind

When everyone seems to abandoned you
but you still choose to forgive and choose to love

When you see things too impossible to happen
but you still don't lose hope

When the situation calls you to lose faith
but you still hold-on to God...




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

On Seeing God



How we see life is how we see God
How we relate with others is how we connect with God
How we decide is how we trust in God
How we accept death is how we cling to God.




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Nasasaktan


Kapag tayo ay nasasaktan
Nagkakaroon tayo ng pagkakataon
Upang maunawaan natin
Ang sakit na nararanasan nang ating kapwa
Doon sumisibol ang pagkaunawa
At pakikibahagi
Sa pait na iniinda
At hirap na pinapasan
Nang ating kapwa

Sumisibol ang pagmamahal
Na bunga ng habag
Na nauuwi
Sa isang malalim na pakikipag-kaibigan

Lubos na nakikilala natin--
Ang ating mga sarili...

Ang ating mga pinanghahawakan sa buhay
Ay nadadarang
Sa matinding pagsubok
Nang pananampalataya
At prinsipyo sa buhay

Hanggang sa matanggap natin
Na ang lahat ng dagok sa ating buhay
Ay may malinaw na kadahilanan
At may hangganan
Patungo sa isang
Mas magandang hinaharap...




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

On Suffering



We could understand the meaning
of God's sacrifice for us
if we share from Jesus
the pains of His cross
as He also shares from us
the pains of our lives...




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Pagkaunawa


Sa buhay na ito
Maikli pala ang panahon
Kahit pala maubos ang aking oras
Upang makuha ko ang gusto ko
Darating din ang panahon
Na isusuko ko ang lahat ng ito...

Hindi naman pala lahat ng mga tanong
Ay kailangang masagot ko ngayon
Hindi naman pala lahat ng gusto ko
Ay kailangang matugunan ngayon

Dahil sa buhay na ito
Ang mas mahalaga pala
Ay ang ang makabuo ng relasyon
Sa aking kapwa
Dahil mula sa kanila
Mauunawaan ko
Ang kahulugan ng mga tanong
Na hinahanap ng puso ko...

Dahil habang hinahanap ko pala ang aking sarili
Nakikita ko pala ang katugunan sa aking kapwa
At ang pagka-unawa ko sa aking sarili at aking kapwa
Ang nagpapalalim sa relasyon ko
Sa Dakilang Lumikha.