Thursday, June 7, 2012
Pag-ibig sa Kapwa
Marahil
Umabot na ako sa punto
Kung saan
Ang buhay-buhay sa aking paligid
Ay nagmistulang hininga na ng aking sariling buhay
Ang emosyon
Na natatago sa bawat 'buhay na larawang gumagalaw' (living portrait)
Sa bawat buhay na nagpupumilit makipagtagisan
Sa pang-araw-araw na buhay
Ay aking nadarama
Kung saan
Dalisay itong dumadaloy
Mula sa kanilang puso
Patungo sa aking dugo
Na siyang nagiging tinta (ink)
Na nagdi-dibuho (draw)
Nang bawat galaw at ritmo
Nang buhay na bumubulong
Sa aking pagkatao
Marahil
Masidhing naarok na ang sinapupunan ng aking kaluluwa
Dahil sa aking pakikibahagi
Sa inibig kong 'masa ng buhay'
Kung saan ang tibok ng kanyang puso
Ay inari ko na ring tibok ng aking pagkatao
Ang dahilan ng aking kaligayahan
Kung saan napagtanto ko
Sa pagsabay ko sa ang aking kapwa buhay
Sa kaligayahan o kalungkutan
Ang paglingkuran siya
Dahil sa pag-ibig
Dahil sa pagmamahal
Ito ang naging ligaya at langit
Nang puso kong naliwanagan
Sa pagkakataong ibinahagi ko ang aking sarili sa aking kapwa
Ang pag-aalay ng aking buhay
Ay hindi nangangahulugan
Na ako ang higit na nag-sakripisyo
Sa bawat pait nila na aking hinagkan
Sa bawat ligaya na isinuko ko at ibinigay para sa aking kapwa
Masasabi kong
Hindi ako nawalan
Bagkus
Pinalalim ng bayang inibig ko
Ang kaibuturan ng pag-kasarili ko
Kung saan
Binigyan nila ako
Nang malalim na dahilan
Upang mabuhay
Hindi para sa aking sarili
Kundi para sa aking kapwa
Na hindi man nagmamahal sa akin
Subalit natutunan kong ibigin pa rin
Bakit...
Sapagkat... ako ay inibig
Ang pinaghuhugutan ng aking inspirasyon
Ay ang Dakilang Lumikha
Na unang nagmahal sa akin
Bago ako natutong umibig
Sa aking kapwa
Na aking minahal
Nang higit pa sa aking sarili...
Br. Dennis DC. Marquez, sSSS
Labels:
Life,
Love of Neighbor,
Mission
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment