Sunday, June 24, 2012
Level ng Pakikipagtagisan
Pagde-debate...
Tagisan ng kaalaman
Pangangatwiran at
Ng pananalita
Nadaan sa asaran
Pero hanggang sa tanghalan lamang
Nagkakainisan
Pero sa isang punto lamang
Nagkakamurahan
Pero nagkakasunduan din naman
Napikon...
Meron kasing naungkat
Naalala
Tapos naibato
Maaaring nakanti
Ng kinaiinisang ala-ala
Na ipina-alala
Na taliwas
Sa pinaglalabang katwiran
Maaring minsan
Ang kalaban
Dahil hindi makalusot
Nang-aasar na lang
Kasi ang laging katwiran
Kapag naasar e talo
Yung nambu-bwiset ay yun ang nananalo
Nainggit...
Kasi naaangasan
Kung kaya laging pinipintasan
Kung may makita man
O may napapansin man
Iyon ay kamalian
Kahit pa nasa katwiran
Kahit ang tao'y nananahimik
Piit na lihim na sinisiraan
Dahil ang nais
Ang iba sa kanya ay huwag magtiwala
Nagalit...
Nakaramdam ng injustice
Pakiramdam ay naloko
Kaya sa pagkakataong iyon
E nag-init ang ulo
Nagsalita ng pagmumura
Nang matamaan ang "ego"
Kaya itong namura
E gumanti rin ng mura
Hanggang sa nagkasakitan
Nang dumilim ang paningin
Pero matapos ang galit
E dagli namang naareglo
Kahit bugbog sarado
Nakuha pang makipagkasundo
Isinusumpa...
Kumukulo ang dugo
ayaw nang makita ang isang tao
sobrang galit
Kung pwede e makapatay nang tao
Kaya kahit andyan ang tao
Itinuturing siyang wala lang
Parang patay
Hindi pinapansin
Hindi nakikita
Labels:
Life,
Relationship
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment