Saturday, August 4, 2012
Kabutihan
kahit ilang ulit kang siraan o saksakin ng talikuran
o iwan nila sa ere na nag-iisa at walang kalaban-laban
huwag kang gaganti o magsasalita ng masama
gawin mo pa rin ang nakabubuti (good)
kasi, yun ngang gumagawa na nang mabuti
e hindi ka pa rin nila kayang mahalin
what more kung gawan mo pa sila ng paghihiganti
lalo ka lamang na hindi nila iibigin
hindi ko sinasabing magmakaawa ka
o manlimos ng gabutil na pagmamahal
dahil kapag pinili mong magmahal
sa kabila ng kanilang kasamaan
ang iniibig mo ay ang natitirang kabutihan
na naghihingalo at nag-aagaw buhay
mula sa kaibuturan ng kanilang nabubulok na pagkatao
mula sa katahimikan ng pagtitimping ito
dadaloy ang grasya
na tutunaw
sa lahat ng hinala
sa lahat ng kabuktutan
sa lahat kasamaan
kahit patayin ka pa nila
o pahirapan
hindi nila maaagaw sa iyo
ang pagpapala ng kabutihan
at ang kaliwanagan ng pag-asa
kabutihan ang bangungot
sa lahat ng kasamaan
na umaalingawngaw
mula sa kaibuturan ng bawat kaluluwa
ito ang pag-asa
na babago
sa bawat puso
at bawat pagkatao
Dennis DC. Marquez