Tuesday, August 7, 2012

Sulat from Baby

Nakaka-touch namang makita
na ang may mga ari ng mga alaga nilang hayop
ay inililigtas ang kanilang mga alaga:


Katulad ng mga cute na aso na buong pagmamahal
na binubuhat ng may ari
para hindi mabasa ng tubig baha.


Sana ako rin,
Kahit nag-aaway sila lagi ng tatay ko
Kahit maraming problema silang pinagdaraanan
Sana hindi nila ako pabayaan
Ipagtanggol sana nila ako.


Hindi po ako dugo...
Ako po ay isang cute na baby na may buhay na
TAO na po ako
HINDI PO AKO ISANG PROBLEMA
Kasi regalo po ako
Sa inyo mula sa Dyos...

Sabi ni God sa akin
Ilang buwan po mula ngayon
Ipapanganak na daw po ako
Kaya lang naririnig ko po kayo
Tuwing kayo ay umiiyak
Tuwing kayo ay nag-aaway
Tuwing kayo ay natatakot
Na gusto nyo raw po ako
Na tuluyan nang IPALAGLAG (TO ABORT)...


"Nanay...
Tatay...
HUWAG NYO PO AKONG PATAYIN...
Magpray po tayo kay Jesus
Malalagpasan po natin ang lahat ng problema
BIGYAN NYO PO AKO NG PAGKAKATAON
UPANG AKO AY IPANGANAK
UPANG AKO AY MABUHAY..."

Love, BABY.