Sunday, August 12, 2012

Awit kay Maria


Liwanag sa dilim
Bantay sa paghimbing
Mariang umaawit
Nang himig ng oyaying
Bumubukal sa pag-ibig

Inang sakdal lambing
Inang sakdal bait
Ang puso kong naligalig
Kay Kristo mo nilalapit
Upang ako'y muling hilumin

Ang kanlungan mo ay ang langit ko
Ang bisig mo ay ang duyan kong
dahilan ng aking buhay

Ang pag-ibig mo ay ang yaman kong
nagdurugtong sa puso kong
nananabik... kay Kristong anak mo

Umaasa kami
Sa 'yong bawat dalangin
Mariang masintahin
Kami sa 'yo'y nananalig
sagipin kami... sa bawat saglit






===
go to a recollection:
http://denmar1978.blogspot.com/2013/04/one-week-on-line-recollection.html


Br. Dennis DC. Marquez, sSSS