Thursday, August 23, 2012

Pagmamahal



Dati...

Takot akong magmahal
Dahil baka kapag iniwan ako
ng taong minamahal ko
Mamihasa ako
at hanap-hanapin ko
ang pagmamahal na ito

Hindi ko agad naunawaan
na kaya pala ako minamahal
Iyon ay upang
masanay rin akong magmahal




Dennis DC. Marquez