Thursday, August 23, 2012

Pagsabay



Huwag mo akong pilitin
na makipagsabayan sa iyo
sa pamamaraang nais mo
dahil hindi ako kahit kailan
makakasabay
sa masidhing hinahangad mo

Maaaring bang kumuha ka muna
ng isang wheel chair
Buhatin at iupo mo ako dun
at dahan-dahang itulak mo ako
para ako ay
makasabay sa iyo




Dennis DC. Marquez