Saturday, August 11, 2012

Unawaan



Hindi tayo magkaunawaan...

Kung minsan kasi
Kapag tayo ay nagsasalita
We are 'speaking in tongues'
Para tayong nag-uusap sa magkaibang planeta
Kung kaya hindi tayo magkaintindihan

Kasi magkakaiba ang nasasa puso natin
Magkakaiba ang ating intensyon
Magkakaiba ang ating mga pinanggagalingan
Kung kaya iba-iba rin ang pinaghuhugutan ng ating kaluluwa

Hangga't ang totoong pag-ibig ang magbigkis sa atin
Saka pa lamang tayo magkakaunawaan
Kung saan ang sinasabi ng Diyos sa ating mga puso
Ang siyang magiging pamantayan
Nang ating pag-ibig sa ating kapwa tao

Magkakaiba ang nasasa likod
Nang ating makakaibang katwiran
Malimit
Lagi itong may bahid ng pagkamakasarili
Maraming mga tilamsik ng pananalita
Na itinatago sa mabubulaklak na pagbigkas
Subalit ang kahulugan lamang nito
Ay pawang kapahamakan ng ating kapwa

Mahirap magmahal
Kapag ang una nating minamahal
Ay pawang
Ang ating mga sarili lamang

Dahil upang ibigin ang ating kapwa
Kinakailangang lumabas tayo
Mula sa ating hangganan sa buhay (borders; comfort zone)
Na idinidikta ng ating sarili
Na idinidikta ng ating gusto
Na idinidikta ng ating
Mapamili at mapamintas
Na pag-unawa sa buhay...




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS