Friday, August 10, 2012

Ano nga ba ang kahulugan ng Service?


(ilang taon ko na itong naisulat. titingnan ko kung may pagababago bang nangyari sa pagtingin ko hinggil sa service sa kapwa).

Lagi kong naiisip ang salitang service. Lagi ko itong ikinakabit sa mga bagay na aking ibinibigay. Basta kapag ako ay nagserve, para sa akin service ito.

Malabo ba? Serve, tapos service. Parang pinaikot ko lang, ano?

Akala ko sa buong buhay ko, kapag ikaw ay nagbigay…service na agad.

Hindi lang naman pera ang pwedeng ibigay. Lahat ng meron ka, basta kapag ibinigay mo…service pa rin iyon. Pati oras…lakas…in short sarili mo…service pa rin iyon.

Ang service ay pagbibigay ng sarili… paglalaan ng oras…o kahit pag-aalay ng sariling buhay…ito ay serbisyo sa kapwa.

Akala ko noong una ito na ang malalim na kahulugan ng service. Kasi sa pagbibigay ng service nagiging masaya ako. Kapag pala nag-eenjoy ka…hindi pa pala ito totoong service.
Ang totoo palang service ay iyong ginagawa mo ang isang bagay na ayaw mo na hindi mo man lang makita kung saan anggulo mo titingnan kung saan ka magiging masaya. Marami akong ginagawang bagay na nagiging masaya ako…hindi pa pala ito service na pang-masa. Ito pala ay self-service. Pinaglilingkuran ko lamang ang aking sarili…dahil ang sarili ko ang nagiging masaya hindi ang aking kapwa.

Maging ako ay nalalaliman sa nais kong pagpapakahulugan ng service. Hindi ko sinasabing kinakailangan tayong maging malungkot sa pagbibigay ng service kundi kinakailangan tayong magsakripisyo at magpakasakit sa pagbibigay ng service.
Kung tayo ay magaling kumanta…madali lang ang maging choir member at maging isang sikat na choir member. Madali tayong makikilala sa ating talent. Mag-eenjoy tayo habang kumakanta. Ang kadalisayan ng service ay nawala. Higit na dakila kung tayo ay hindi

Hindi totoong service iyan dahil nakakakita ka ng kaligayahan…ang totoong service ay iyong hindi ka nakakaramdam ng kaligayahan kundi puro pasakit pero dahil sa pagmamahal sa kapwa ay ginagawa mo pa rin. Hindi ito katangahan kundi kahiwagan ng buhay. Oo, nga’t walang maaapi kung walang mag-papaapi subalit ang dapat nating gawin…hayaan natin ang espiritu ng panginoon ang magpuno sa mga pagkukulang na ating nararamdaman.

Oo nga’t mahirap magbigay ng wala subalit higit na dakila ang magmakaawang manghingi sa ama ng iyong maibibigay sa kapwa. Ang lahat ng ating tinatamasa ay nagmula sa kanya kung kaya’t anong ikakatakot ng ating mga puso kung mawala ang lahat ng ito sa isang iglap. Mas pagpapalain ang mga nauubusan dahil sa pamamahagi sa iba kaysa sa mga napapanisan dahil sa pagdadamot sa kapwa. Ang mga nauubusan ay pupunan ng Panginoon ang mga nag-uumapaw at napanisan ay tatangisan ng Panginoon.



===
go to a recollection:
http://denmar1978.blogspot.com/2013/04/one-week-on-line-recollection.html


Br. Dennis DC. Marquez, sSSS