Thursday, August 23, 2012

Katanungan



Hindi totoo
na may mga bagay
na walang kasagutan
Dahil lahat ng bagay
ay may dahilan
kung bakit sila nalikha

Maaaring ang katotohanan ay
may mga bagay
na sadyang walang katanungan
Dahil ang kailangan lamang nating gawin
ay tanggapin sila
bilang sila
at wala nang iba




Dennis DC. Marquez