Wednesday, September 7, 2011
Ngayon
Sinabi ko sa sarili ko:
Gumising ka na sa katotohanan
Tapos na ang kahapon
Na matagal nang naganap
Umahon ka na sa pagkakasadlak
Mula sa madilim na nakaraan
Dahil hindi mo na namalayan
Na patuloy na umaagos ang panahon
Habang ikaw ay pikit matang
Nanaginip ng gising...
Matagal nang naagnas
Ang lahat ng mga pinanghahawakan mo
Na pilit mo lang na hinuhukay
At patuloy na sinasariwa
Sa isang gunita na ikaw na lang ang nakakaalala
Dahil matagal na itong inilibing
Nang ngayon na lagi mong iniiwasan
Upang patuloy na magkulong
Sa bangungot ng pantasya...
Tanggapin mong
Lumilipas ang lahat
Na ang hangganan ng bawat buhay
Ay tanging kamatayan lamang
Hindi maaaring manahan
Sa galit at pangamba
Dahil ang patutunguhan nito
Sa huli ay pagpapatawad...
Iyong takot at pangungulila
Ay hindi sapat na dahilan
Upang ihinto mo ang pagdaloy
Nang iyong sariling buhay
Dahil bawat pagtangis
Ay kailangan ding tumahan
Katulad ng ulan
Na pagdakay tumitila...
Ang buhay natin
Ay laging may simula
Pagkatapos ng bawat sigwa
Sumisikat ang umaga
Isatitik mo ang kasaysayan
Hindi bilang kabiguan
Kundi bilang ikaw
Na may pusong malaya...
Harapin mo ang ngayon
Baunin ang yaman ng nakaraan
Patawarin mo ang iyong sarili
Kung kinakailangan
Tahakin ang bagong landasin
Upang muling magmahal
At sumabay muli
Sa agos at tibok ng buhay...
Repleksyon:
Kaibigan,
Walang makakatulong sa atin upang magbago kundi ang sarili lang din natin. Ang nakaraan ay nakaraan na, maaari lamang nating gamitin itong inspirasyon para sa ating kasalukuyan at hinaharap.
Oo, mahirap magbago lalo na kung biktima tayo ng mapait na nakaraan. Hilingin natin sa Dakilang Lumikha na turuan ang ating puso na magpatawad sa ating kapwa at mahilom ang pait ng ating nakaraan.
Higit pa dito, isaalang-alang din natin na mayroon pa rin tayong ibang kapamilya at kaibigan na nangangailangan din ng ating pagmamahal. Para sa kanila, pilitin nating baguhin ang ating buhay. Gamitin natin ang pagkakataong ito upang muli tayong bumangon at magbago. Isipin natin sila bilang inspirasyon at hilingin natin sa kanila na tayo ay ipagdasal upang maging ganap ang ating hinahangad na pagbabago.
Mahal ka ng Dyos. Mahal din kita.
Br.Den Mar, SSS
For Prayer Request/s: Send to: denmar1978@yahoo.com. Our community, the Congregation of the Blessed Sacrament (SSS) will be happy to pray with you!
Labels:
Acceptance,
Brokenness,
Challenges,
Daily Struggles,
Denial,
Despair,
Healing,
Inspiration,
Journey,
Realization,
Reflection,
Shyness
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
life is like that talaga. minsan mapi-fixate ka sa isang bagay na mahirap makapag-move on. tapos isang araw magigising ka na lang, okay na ang lahat tapos tatawanan mo na lang ang problema. kaya stay alive lang, lilipas lahat ng bagay. ang iniiyakan mo ngayon ay tatawanan mo lang din bukas.
TAMA1 ako rin yun na rin ang comment ko. kasi ganun din yung nangyari sa akin. nagalit pa nga ako kay God!!! TAPOS, wla lang. anjan nmn yng family ko 2 support. ayun nakaraos. Its hard to be a sngle mom kaya... pro, i'm now working na. thanks sa parents ko kc sila ang lakas ko evry day. love u carlo!
PAKI-PRAY ATE KO HA! KC BROKEN HEARTED CYA!
Post a Comment